Mga Aklat

Medyo kaiba ito sa pinatotohanan mo, na ang Panginoon ay nagkatawang-tao na at lihim na bumaba sa mga tao.

Tanong 1: Ang pangako ng Panginoon ay darating Siyang muli upang dalhin tayo sa kaharian ng langit, pero nagpapatotoo ka na nagkatawang-tao na ang Panginoon para gawin ang paghatol sa mga huling araw. Malinaw ang mga propesiya ng Biblia na ang Panginoon ay bababa nang may kapangyarihan at malaking kaluwalhatian sa mga ulap. Medyo kaiba ito sa pinatotohanan mo, na ang Panginoon ay nagkatawang-tao na at lihim na bumaba sa mga tao.
Sagot: Sinasabi mo na nangako ang Panginoon sa tao na Siya ay muling darating upang dalhin ang tao sa kaharian ng langit, sigurado ito, dahil matapat ang Panginoon, tutuparin Niya ang Kanyang mga pangako. Pero kailangan muna nating linawin na ang muling pagdating ng Panginoon sa pamamagitan ng pagkakatawang-tao sa mga huling araw para sa gawain ng paghatol ay may direktang kaugnayan sa kung paano tayo dadalhin sa kaharian ng langit. Kung pag-aaralan nating mabuti ang Biblia, hindi mahirap hanapin ang katibayan nito. Continue reading “Medyo kaiba ito sa pinatotohanan mo, na ang Panginoon ay nagkatawang-tao na at lihim na bumaba sa mga tao.”
Mga Pelikula Tungkol sa Ebanghelyo · Mga Video

Ang Aking Pinapangarap na Kaharian sa Langit

Si Song Ruiming ay pastor ng isang iglesia sa South Korea. Bilang isang tapat na alagad ng Panginoon sa loob ng maraming taon, masigla siyang sumasampalataya at naglilingkod sa Panginoon habang naghihintay na maitaas sa kaharian sa langit pagbalik ng Panginoon. Nitong nakaraang mga taon, litung-lito siya at nawawalan ng lakas kapag nakikita na wala sa iglesia ang gawain ng Banal na Espiritu at nagiging lubhang malungkot. Continue reading “Ang Aking Pinapangarap na Kaharian sa Langit”

Mga Aklat · Mga Aklat ng Ebanghelyo

Bakit napakaraming iglesia ang nagugutom at nalulungkot?

Bakit napakaraming iglesia ang nagugutom at nalulungkot
Tanong 1: Naramdaman ko ang kalungkutan sa ating iglesia nitong mga nakaraang taon. Nawala natin ang pananampalataya at pagmamahal na taglay natin noong simula, at naging mas mahina at mas negatibo. Kahit ang mga nangangaral, hindi alam ang gagawin kung minsan, at hindi alam kung ano ang pag-uusapan. Pakiramdam nami’y nawala namin ang gawain ng Banal na Espiritu. Naghanap din kami sa lahat ng dako ng iglesia na nagtataglay ng gawain ng Banal na Espiritu, pero bawat iglesiang makita nami’y kasinglungkot ng sa amin. Bakit napakaraming iglesia ang nagugutom at nalulungkot?
Sagot: Mahalaga ang tinanong ninyo. Alam nating lahat na nabubuhay tayo sa dulong yugto ng mga huling araw. Iprinopesiya noon ng Panginoong Jesus: “At dahil sa pagsagana ng katampalasanan, ang pagibig ng marami ay lalamig” (Mateo 24:12). Continue reading “Bakit napakaraming iglesia ang nagugutom at nalulungkot?”
Mga Aklat · Mga Pagbigkas ni Cristo

Ang Gawain sa Kapanahunan ng Kautusan

Ang gawaing ginawa ni Jehova sa mga Israelita ay itinatag sa sangkatauhan, ang panlupang lugar na pinagmulan ng Diyos, na siya ring sagradong lugar kung saan Siya naroroon. Itinuon Niya ang Kanyang gawain sa mga tao ng Israel. Noong una, hindi Siya gumawa sa labas ng Israel, ngunit sa halip, pumili Siya ng mga taong natagpuan Niyang angkop upang malimitahan ang nasasaklawan ng gawain Niya. Ang Israel ay ang lugar kung saan nilikha ng Diyos sina Adan at Eva, at ginawa ni Jehova ang tao mula sa alabok sa lugar na iyon; ang lugar na ito ang naging himpilan ng gawain Niya sa lupa. Ang mga Israelita, na mga inapo ni Noe at mga inapo rin ni Adan, ay ang mga pantaong saligan ng gawain ni Jehova sa lupa. Continue reading “Ang Gawain sa Kapanahunan ng Kautusan”
Mga Aklat · Mga Aklat ng Ebanghelyo

Bakit kasama sa pagbalik ng Panginoon ang pagkakatawang-tao—pagbaba nang lihim—gayundin ang pagbaba sa harap ng publiko mula sa mga ulap?

Bakit kasama sa pagbalik ng Panginoon ang pagkakatawang-tao—pagbaba nang lihim—gayundin ang pagbaba sa harap ng publiko mula sa mga ulap?Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:
“Narito, ako’y pumaparitong gaya ng magnanakaw” (Pahayag 16:15).“Datapuwa’t pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalake! Magsilabas kayo upang salubungin siya” (Mateo 25:6).

“Narito ako’y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng aking tinig at magbukas ng pinto, ako’y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya’y kasalo ko” (Pahayag 3:20).
Continue reading “Bakit kasama sa pagbalik ng Panginoon ang pagkakatawang-tao—pagbaba nang lihim—gayundin ang pagbaba sa harap ng publiko mula sa mga ulap?”

Mga Himno · MP3

Ang Diyos ay Nagpakita sa Silangan ng Mundo Nang May Kaluwalhatian

I
Diyos ay gumagawa sa buong sansinukob.
Dagundong ng ingay sa Silanganan ‘di tumitigil,
nililiglig lahat ng denominasyo’t lahat ng sekta.
Ito’y tinig ng Diyos, lahat dinala sa kasalukuyan.
Ito’y Kanyang tinig na sa lahat ay lulupig.

Continue reading “Ang Diyos ay Nagpakita sa Silangan ng Mundo Nang May Kaluwalhatian”

Mga Aklat · Mga Aklat ng Ebanghelyo

Para malaman natin kung paano tiyakin na ang Makapangyarihang Diyos ay ang nagbalik na Panginoong Jesus.

Ebanghelyo ng Kaharian ng Langi
Tanong 1: Ngayon alam na ng lahat na nagbalik na ang Panginoong Jesus, at Siya ang Makapangyarihang Diyos na nagkatawang-tao! Ang mga salitang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos, Ang Salita’y Nagpakita sa Katawang-tao, tinig ng kasintahang lalake. Subalit maraming kapatid pa rin ang hindi makahiwatig sa tinig ng Diyos. Kaya nga, inimbitahan namin ngayon si Kapatid na Xiang mula sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Inimbitahan namin sila para ibahagi sa atin kung paano tukuyin ang tinig ng Diyos. Para malaman natin kung paano tiyakin na ang Makapangyarihang Diyos ay ang nagbalik na Panginoong Jesus.

Sagot: Napakahalaga ng itinanong n’yo. Para matanggap ang gawain ng Diyos sa mga huling araw at makita ang pagpapakita ng Diyos, Kailangan nating malaman kung paano tukuyin ang tinig ng Diyos. Sa katunayan, ang ibig sabhin ng pagtukoy sa tinig ng Diyos ay pagkilala sa mga salita at binibigkas ng Diyos, at pagkilala sa mga katangian ng mga salita ng Lumikha. Mga salita man ito ng Diyos na naging tao, o mga binigkas ng Espiritu ng Diyos, lahat ay pawang mga salitang sinambit ng Diyos sa sangkatauhan mula sa kaitaasan. Ganyan ang tono at mga katangian ng mga salita ng Diyos. Dito, malinaw na ipinakita ang awtoridad at pagkakakilanlan ng Diyos. Continue reading “Para malaman natin kung paano tiyakin na ang Makapangyarihang Diyos ay ang nagbalik na Panginoong Jesus.”

Mga Patotoo tungkol sa Buhay sa Iglesia · Mga Video

Nauunawaan Ko Na Ang Ugnayan sa Pagitan ng Biblia at ng Diyos

Ang pangunahing tauhan, na ang tungkulin sa iglesia ay umarte, ay napiling gumanap na bida sa isang maikling pelikula. Pinaghirapan niya nang lubos ang kanyang pagganap, sa pag-asang maging tanyag, ngunit dahil sa mga di-inaasahang pangyayari, kinailangang ulitin ang shooting ng pelikula, at pinalitan siya ng direktor ng ibang artista. Nanlumo siya. Sa pagbabasa ng mga salita ng Diyos, nagkaroon siya ng kaunting pag-unawa sa kanyang maling pananaw sa paghahangad ng katanyagan at katayuan, at kinamuhian ito. Unti-unting bumuti ang kanyang katayuan. Kalaunan, napili siyang gumanap ng pangunahing papel sa isa pang pelikula. Ano ang naranasan niya sa paggawa ng pelikulang ito? An…

Continue reading “Nauunawaan Ko Na Ang Ugnayan sa Pagitan ng Biblia at ng Diyos”

Mga Video · Mga Video ng mga Himno

Tagalog Christian Music | Lahat ng Bagay ay Nabubuhay sa mga Patakaran at Batas na Itinakda ng Diyos

Tagalog Christian Music | Lahat ng Bagay ay Nabubuhay sa mga Patakaran at Batas na Itinakda ng Diyos

Libu-libong taon ang lumipas,

natatamasa pa rin ng tao ang liwanag

at ang hanging kaloob ng Diyos.

Hinihinga pa rin ng mga tao

ang hiningang inihinga ng Diyos Mismo.

Tinatamasa pa rin ng tao ang mga bagay na likha ng Diyos,

ang mga isda, ibon, bulaklak at insekto.

Continue reading “Tagalog Christian Music | Lahat ng Bagay ay Nabubuhay sa mga Patakaran at Batas na Itinakda ng Diyos”