Sa Pangatlong Araw, Nagbigay ng Buhay sa Lupa at sa Karagatan ang mga Salita ng Diyos, at Nagdulot ang Awtoridad ng Diyos sa Mundo ng Nag-uumapaw na Buhay
Ang unang pangungusap sa Genesis 1:9–11: “At sinabi ng Dios, Mapisan ang tubig na nasa silong ng langit sa isang dako, at lumitaw ang katuyuan.” Ano ang mga pagbabagong naganap matapos simpleng sabihin ng Diyos ang, “Mapisan ang tubig na nasa silong ng langit sa isang dako, at lumitaw ang katuyuan”? At ano ang nasa espasyong ito bukod sa liwanag at sa kalawakan? Sa mga Kasulatan, nakasulat ito: “At tinawag ng Dios ang katuyuan na Lupa, at ang kapisanan ng tubig ay tinawag niyang mga Dagat: at nakita ng Dios na mabuti.” Ibig sabihin, nagkaroon na ng lupa at mga karagatan sa espasyong ito, at naghiwalay ang lupa at karagatan. Ang paglitaw ng mga bagong bagay na ito ay sumunod sa utos mula sa bibig ng Diyos, “at nagkagayon.” Inilarawan ba sa Kasulatan na naging abala ang Diyos habang ginagawa Niya ito? Inilarawan ba nito na Siya’y pisikal na gumagawa? Kaya, paano ba ito lahat ginawa ng Diyos? Paano ba ginawa ng Diyos ang mga bagong bagay na ito? Malinaw na, gumamit ang Diyos ng mga salita para makamit ang lahat ng ito, para likhain ang kabuuang ito.
Continue reading “Ang Diyos Mismo, ang Natatangi I | Sipi 85”